Link ng bidyo: https://www.youtube.com/watch?v=FbmtGP7chfY |
Maikling Pagbubuod:
- Nagkaroon ng hindi inaasahang pagguho ng lupa sa Itogon, Benguet na kung saan ang naging sanhi ng pagguho ay dahil sa Bagyong Ompong noong 2018. Naapektuhan ang mga kababayan sa Itogon Benguet at 100 na mamamayan ay namatay o natabunan sa pagguho ng lupa. Ang isa sa mga nasawi ay ang anak ni mang Geronimo Pilaan at apo ni mang Martin Pilaan na si Jerome Pilaan. Nasa Apayao ang tatay at lolo ni Jerome nang mangyari ang pagguho sa Itogon. Noong pumunta na sila sa Itugon huli na ang lahat, Namatay na si Jerome dahil natabunan ito ng mga putik at ng mga bato. Kaya nagluluksa ang pamilya nito sa nangyari kay Jerome.
Anong Kapabayaan ng mga tao sa nangyari?
Sa aking obserbasyon, Hindi ko masasabi kung ano ang naging kapabayaan ng mga tao dahil matapos nangyari ang pagguho ay agad namang tumulong ang mga search and rescue team at mga kababayan na nakaligtas sa nangyari.
Ano ang epekto ng kalamidad na nangyari sa mga indibidwal?
- Napakalaki ng epekto ng nangyari sa pagguho ng lupa sa Itogon Benguet, dahil nawalan sila nang pangkabuhayan, ari-arian at lalo na ang mahal nila sa buhay na nasawi sa pagguho ng lupa.
Ano ang reaksyon ko sa nangyari?
- Nalungkot at naawa ako sa mga taong natabunan at nawalan ng ari-arian dahil sa nangyaring pagguho pero sana ngayong 2020 na ay nasa maayos na lagay na sila at nakaraos na sa nangyaring pagguho.